PAGASA: Amihan nakakaapekto na lamang sa Northern Luzon
Patuloy na humihina ang northeast monsoon o Hanging Amihan at sa ngayon ay nakakaapekto na lamang sa northern Luzon.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, mas malaking bahagi na ng bansa ang apektado ng Easterlies kaya’t mas mainit na panahon na ang nararanasan.
Ayon sa weather bureau, dahil apektado pa rin ng Amihan ang northern Luzon ay hindi pa pwedeng ideklara ang dry season.
Ngayong araw, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mababang tyansa ng pag-ulan sa Luzon.
Sa Visayas at Mindanao naman, bagaman maganda rin ang panahon, posibleng makaranas ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa epekto ng Easterlies.
Wala namang namamataang sama ng panahon ang PAGASA na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.