Comelec, hindi na isasapubliko ang mga lumabag sa campaign posters

By Len Montaño March 08, 2019 - 04:53 AM

Hindi na ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga kandidato sa May midterm elections na may mga illegal campaign posters.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi na nila isasapubliko ang mga pasaway na kandidato maski ang mga pinadalhan nila ng notice of violation.

Kaugnay ito ng Oplan Baklas na isinagawa ng poll body dahil sa mga illegal campaign posters sa ibat’ ibang lugar.

Sinabi ni Jimenez na hindi na nila papangalanan ang mga non-compliant na kandidato para hindi na masayang ang kanilang case build-up laban sa mga ito.

Paliwanag ng opisyal, kapag nalaman kasi ng kandidato na nasa listahan sila ng Comelec ay biglang tinatanggal ang mga nagkalat na campaign materials kaya hindi na nadodokumento at wala ng ebidensya.

Papangalanan na lang ng ahensya ang mga kandidato kapag nasampahan na ng kaso ang mga ito.

TAGS: comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, illegal campaign posters, non-compliant, notice of violation, Oplan Baklas, comelec, Comelec spokesperson James Jimenez, illegal campaign posters, non-compliant, notice of violation, Oplan Baklas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.