3rd Dalian train set idedeploy ngayong araw para sa 150-hour validation run
Inanunsyo ng Metro Rail Transit (MRT-3) na idedeploy ngayong araw ang ikatlong set ng Dalian train para sumailalim sa 150 oras ng validation run.
Ito ay matapos makumpleto ng naturang train set ang problem-free na 1,000-kilometer run.
Ayon sa MRT-3, masasakyan ng commuters ang Dalian train set mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 gabi ngayong araw (March 8) at sa Lunes (March 11).
Matapos ang 150-hour na validation run ay gagawa ng evaluation report ang Philippine National Railways (PNR) at sakaling pumasa ay papayagan nang regular na tumakbo ang train set sa riles ng MRT-3.
Matatandaang inatasan ng DOTr ang PNR na pangunahan ang simulation runs ng Dalian trains para masigurong ligtas itong magagamit ng commuters.
Ang Dalian trains ay binili ng Aquino administration at hindi ginamit ng kasalukuyang gobyerno dahil sa umano’y compatibility issues.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.