NCRPO: Pulis-Maynila na nahuling bumabatak ng shabu, matatanggal sa pwesto
Matapos ang kaso ng robbery extortion na kinaharap ng isang pulis sa Pasig ay isa namang pulis-Maynila ang pinagalitan ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar.
Arestado si PO1 Ferdinand Rafael sa buy bust operation sa Sampaloc, Maynila at naaktuhan pang bumabatak ng shabu.
Nakuhaan ang naturang pulis ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Iniharap ang suspek kay Eleazar at Manila Police District Director Vicente Danao Jr.
Sa press briefing, ikinadismaya ni Eleazar na may pulis na sangkot sa iligal na droga gayong pinangungunahan ng pulisya ang drug war.
Wala anyang pinagkaiba si Rafael sa mga pulis na nahuli dahil sa extortion.
Giit ni Eleazar ang mga police scalawags ay hindi kailangan ng pwersa ng PNP.
Tiniyak pa ng police official na matatanggal sa serbisyo si Rafael at sasampahan ito ng patung-patong na kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.