Relic mula sa Krus na pinagpakuan kay Hesukristo dumating sa Diocese of Kalookan
Ipinagkaloob sa Sto. Niño de Pasion Quasi-Parish sa Diocese of Kalookan ang ilang religious relics mula pa sa Jerusalem at Roma.
Kabilang dito ay ang bahagi ng Krus kung saan mismo ipinako ang Panginoong Hesukristo.
Ang piece ng True Cross ay mula sa Augustinian friars sa Roma.
Mayroon ding mga bato mula sa cave of Nativity sa Bethlehem at Calvary hill ang ipinagkaloob ng mga Franciscanong pari.
Sa panayam ng Inquirer sa kura-paroko ng Sto. Niño de Pasion na si Fr. James Anthony del Rosario, habang nasa Europa ay inihiling niya na maiuwi sa Pilipinas ang relics dahil hindi lahat ng mga Filipino ay may kakayahang magsagawa ng pilgrimage sa ibang bansa.
Masusi anyang naidokumento ang pagkakadiskubre sa True Cross noong 326 A.D sa pamamagitan ni Roman Empress Helena.
Ang mga relics na natanggap ng Sto. Niño de Pasion Quasi-Parish ay may certificates of authenticity.
Giit ni Del Rosario, tuwing hahawakan ang relics ay mararamdaman na hindi lamang kathang-isip si Hesukristo at tunay na ibinigay Niya ang kanyang sarili sa mundo.
Maaaring pagpitaganan ng mga mananampalataya ang relics tuwing alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, alas-2:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-7:00 hanggang alas-7:30 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.