Mahathir, nagbabala laban sa dagsa ng mga dayuhan sa bansa
Binalaan ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad ang Pilipinas sa pagpayag sa pagdagsa ng mga dayuhan na pwedeng makasira sa political stability sa bansa.
Ang pahayag ni Mahathir ay taliwas sa sinabi ni Panagulo na hayaan ang mga Chinese workers na magtrabaho sa bansa dahil nasa daang libong Pilipino ang nasa China.
Mula nang maupo sa pwesto ang Pangulong, nasa 200,000 Chinese nationals ang dumating sa bansa, karamihan sa mga ito ay nagtrabaho sa online gaming companies.
Ang dagsag ng mga Chinese workers ay sinasabing nakakaagaw ng trabaho ng mga manggagawang Pinoy.
Sa kanyang official visit ay nagbabala si Mahathir laban sa pagtanggap ng bansa ng mga dayuhang manggagawa.
Ayon sa Malaysian PM, hindi dapat kasama sa foreign investment ang pagdadala ng maraming dayuhan na manirahan at magtrabaho sa Pilipinas.
Pwede kasi anyang makasira ito political stability ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.