Pulis-Maynila naaktuhang gumagamit ng shabu arestado

Contributed photo

(UPDATED) Arestado ang isang pulis-Maynila matapos itong maaktuhang bumabatak ng bawal na gamot sa loob ng kanyang unit sa Calabacita Street, Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang suspek na si PO1 Ferdinand Rafael, 52 anyos, na absent without leave o AWOL taong 1996 at naibalik sa serbisyo taong 2002.

Kasalukuyang nakadestino si Rafael sa District Administrative Holding Unit ng Manila Police District.

Sumailalim ito sa isang linggong surveillance ng mga awtoridad matapos isumbong na sangkot ito sa bentahan at paggamit ng shabu.

Mayroon ding video na makikitang apat na beses na bumatak ng shabu si Rafael.

Nakuha mula sa suspek na pulis ang 11 sachet ng shabu na may bigat na 15 grams at nagkakahalaga ng P102,000 pati ang P1,000 na buy bust money.

Mahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang pulis kabilang ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...