Umanoy supplier ng marijuana sa QC, arestado

Timbog ang isang lalaki na umanoy supplier ng marijuana sa mga estudyante sa Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Ferdinand Duren, deputy station commander ng Quezon City Police District Station 10, arestado sa buy bust operation sa labas ng internet cafe sa Baranagy Pinagkaisahan ang suspek na nakilala sa alyas Mark.

Nakumpiska sa suspek ang ¼ kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P30,000 gayundin ang P500 marked money.

Si Mark ang umanoy nagsu-supply ng marijuana sa mga parokyano nitong estudyante.

Nakikipag-transaksyon ang 20 anyos na si Mark sa Facebook.

Read more...