Bagong rank classification ng PNP, hindi muna ipinagagamit
Hindi muna pinagagamit ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang bagong rank classification.
Ito ay hangga’t hindi pa nailalabas ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11200.
Sa pamamagitan ng isang memorandum na may petsang March 7, araw ng Huwebes ay pinarecall ni Police Deputy Director General Camilo Cascolan ang paggamit ng bagong rank classification.
Lahat anya ng ‘communication’ ay gagamit muna ng dating mga ranggo hangga’t wala pang IRR.
Ang pagrecall ay utos din umano ni PNP Chief General Oscar Albayalde
Sa ilalabas na IRR ay nakasaad na rin ang abbreviation ng mga ranggo.
Magkakaroon umano ng formal announcement at ceremonial donning para sa bagong rank classification kapag pormal na itong ipinatupad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.