172 pulitiko nabigyan ng police escorts para sa May 2019 elections

Umabot na sa 172 pulitiko at pribadong indibidwal ang napagkalooban ng police escorts para sa papalapit na May 2019 midterm elections.

Ang bilang ay mas mataas ng 29 mula sa naitala noong Pebrero.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Police Security and Protection Group Director Police Brig. Gen. Filmore Escobal, karamihan sa mga nag-apply para sa police escorts ay mga congressman.

Sa bilang na 172, nasa 72 ay congressman, walo ay senador at 24 ay cabinet secretaries.

Nabigyan din ng security escorts ang 21 local government officials at 47 pribadong indibidwal.

Ayon kay Escobal, malaki ang tulong ng police escorts para maiwasan ang mga insidente ng karahasan sa kasagsagan ng election period.

Inaasahan anya nila na mas marami pang hihingi ng police escorts.

Read more...