M4.2 na lindol yumanig sa Southern Leyte

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte alas-10:20 ngayong gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Hinundayan.

May lalim lamang itong isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...