Meralco consumers, inihirit ang refund sa umanoy sobrang singil sa kuryente

By Jong Manlapaz March 07, 2019 - 10:29 PM

Muling nagsagawa ng magkakasunod na kilos protesta ang mga consumers ng Meralco upang kondenahin ang umanoy kasalanan ng kumpanya sa hindi pagbabalik ng refund sa overcharging na pinataw nila sa singil sa kuryente.

Pinangunahan ng Power for People (P4P) ang kilos protesta sa mga sangay ng Meralco kasama ang civil society group at kanilang igniiit na dapat na gamitin ang hindi pa naibabalik na refund ng Meralco upang mapababa ang presyo ng kuryente.

Sa desisyon ng Korte Suprema, lumabas na mayroong overcharging ang Meralco sa kanilang singil sa kuryente sa higit na tatlong milyong mga consumers sa maraming taon at pinasa nila sa mga customer ang kanilang income tax.

Ayon kay Atty. Avril De Torres ng Center for Energy, Ecology and Development, 17 taon na ang kautusan na irefund ang P10.8 billion halaga ng overcharged payments, pero hanggang Semptember 2018, P4.41 billion ang hindi pa rin naibabalik ng Meralco.

Buwan ng Pebrero anya ay tumaas ng P0.5782 per kilowatt hour (kWh) ang singil ng Meralco kung saan ang may konsumo ng 200kwh ay may karadagang bayarin na aabot sa P114.

Base sa datos, tumaas ang kita ng Meralco mula kung saan P20.213 bilyon noong 2017 ay umakyat ito ng P22.4 bilyon noong 2018.

TAGS: consumers, Kuryente, Meralco, overcharging, Power for People, protesta, refund, consumers, Kuryente, Meralco, overcharging, Power for People, protesta, refund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.