Motorcycle shop manager, natagpuang patay sa Ormoc City

By Len Montaño March 07, 2019 - 09:30 PM

Ormoc City Police Office Station 1 photo

Natagpuang patay ang manager ng tindahan ng mga motorsiklo sa Barangay Cogon, Ormoc City.

Kinilala ang biktima na si Romeo Oledan, manager ng MSS Cycle Trading.

Ayon sa pulisya, si Oledan ay binaril habang natutulog. Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo nito.

Tinitingnan ang anggulong pagnanakaw sa pagpatay sa manager dahil nawawala ang vault ng tindahan na may laman umanong mahigit P21,000.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 at grinder cutting disc malapit sa vault.

Iniimbestigahan ang pagkakilanlan ng salarin.

TAGS: manager, natagpuang matay, Ormoc City, pagnanakaw, tindahan ng motorsiklo, vault, manager, natagpuang matay, Ormoc City, pagnanakaw, tindahan ng motorsiklo, vault

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.