CHR sa DILG: Gulo ang kasunod sa paglalabas ng narco list

By Den Macaranas March 07, 2019 - 07:16 PM

Inquirer file photo

Nagbabala ang Commission on Human Rights (CHR) sa posibleng maging bunga ng pagsasapubliko ng narco list bago ang eleksyon sa Mayo.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng CHR na mauuwi lamang sa character assissnation, paninira at gulo ang balak ng Department of Interior and Local Government na pagsasapubliko ng mga pulitikong sangkot sa illegal drugs.

Hinamon rin ng CHR si DILG Sec. Eduardo Año na kailangang kasuhan na lamang kesa maglabas ng mga pangalang hindi naman beripikado ang pamahalaan.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na galing sa wiretapped communications mula sa ibang bansa ang ilan sa mga pangalan sa ilalabas na narco list.

Sinabi ni Año na tuloy ang paglalabas nila sa nasabing listahan bago ang 2019 midterm elections.

TAGS: año, CHR, commission on human rights, drugs, elections, narco list, año, CHR, commission on human rights, drugs, elections, narco list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.