Recycling para sa pagsagip sa kalikasan isusulong ng TGP Partylist
Sinabi ni Talino at Galing ng Pinoy (TGP) Partylist first nominee Bong Teves Jr. na dapat tutukan ng pamahalaan ang pagpapatupad sa Republic Act 9003 o Solid Waste Management Act.
Hanggang ngayon kasi ayon kay Teves ay bigong maipatupad ang tunay na layunin ng batas na magkaroon ng maayos na waste management.
Kasabay nito, sinabi ni Teves na itutulak nila ang kahalagahan ng Reuse, Reduce at Recycle para sa mga basura.
Sa ganitong paraan anya ay malilinis na ang kapaligiran kasabay ng pagliligtas sa ating mga likas na yaman ng tulad ng mga puno.
Nilinaw pa ng kinatawan ng TGP Partylist na marami ang mga recycling plants sa bansa pero hindi ito nagagamit ng husto dahil sa kakulangan ng tulong mula sa ilang opisyal ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.