Pagtatayo ng permanent evacuation center target ng grupo ni Rep. Bingbong Crisologo

By Erwin Aguilon March 07, 2019 - 05:43 PM

Isusulong ng grupo ni Quezon City Rep. Bingbong Crisologo na magkaroon ng permanenteng evacuation center sa lungsod.

Ayon kay Edwin Rodriquez, secretary-general ng PDP-Laban sa Quezon City na sakaling palarin sa kanyang kandidatura bilang mayor si Crisologo ay kanila itong isusulong sa Sangguniang Panlungsod.

Kailangan ayon kay Rodriquez ang permanent evacuation center upang hindi na dalhin sa mga eskwelahan at mga gym ang mga apektadong kalamidad.

Ang gagawin anyang evacuation center ay mayroong palikuran at maayos na higaan.

Paliwanag ni Rodriquez ito ay upang alam din kaagad kung saan dadalhin ang mga relief goods.

Samantala, nais naman ni Rey Miranda na tumatakbong kongresista sa District 5 ng Quezon City sa ilalim ng ticket ni Crisologo na magkaroon din ng kinatawan ng senior citizen sa mga barangay.

Paliwanag nito, kung mayroong Sangguniang Kabataan na ex-officio member sa barangay dapat ay magkaroon din ng senior citizen upang kaagad ding mabigyan ng pansin ang pangangailangan ng mga nakatatanda.

Nais naman ni Rommel Abesamis na tumatakbong konsehal sa 1st District ng QC sa ilalim ni Crisologo na magkaroon ng waste to energy facility sa lungsod kapartner ang mga foreign investor.

TAGS: Edwin Rodriquez, permanent evacuation center, Rep. Bingbong Crisologo, Rey Miranda na tumatakbong kongresista sa District 5 ng Quezon City, Rommel Abesamis na tumatakbong konsehal sa 1st District ng QC, secretary-general ng PDP-Laban sa Quezon City, Edwin Rodriquez, permanent evacuation center, Rep. Bingbong Crisologo, Rey Miranda na tumatakbong kongresista sa District 5 ng Quezon City, Rommel Abesamis na tumatakbong konsehal sa 1st District ng QC, secretary-general ng PDP-Laban sa Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.