9 na drug suspect arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Davao City

By Rose Cabrales March 07, 2019 - 01:27 PM

Arestado ang siyam na drug suspect kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Davao City, Huwebes ng madaling araw March 7.

Inaresto ng San Pedro Police Station ang 19 na taong gulang na trabahador sa palengke ng Barangay 9-A kung saan hindi inakala ng suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Narecover sa kanya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,000.

Ayon sa mga otoridad una na nilang naaresto ang taong dapat na pagbibilhan ng droga ng suspek sa Topaz Street sa Barangay 9-A din noong Miyerkules, March 6.

Naaresto naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI ang lima pang lalaki sa isang birthday party kung saan may narekober din silang baril sa isa sa kanila.

Isang lalaki at 16-taong gulang naman ang naaresto sa buy-bust operation ng Santa Ana Police Station sa Barangay 31-D, gabi ng Miyerkules

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002.

TAGS: 9 na drug suspect, arestado, Davao City, magkakahiwalay na buy-bust operation, 9 na drug suspect, arestado, Davao City, magkakahiwalay na buy-bust operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.