National record sa pole vault, binasag ng isang Filipino-American
Binasag ng isang Filipino-American ang national record sa pole vault.
Nalagpasan ni Natalie Uy ang 4.12 meters sa 2019 Ayala Philippine Athletics Association sa Ilagan Sports Complex.
Naungusan na niya ang 4.11 meters na naitala ni Deborah Samson may 11 taon na ang nakakalipas.
Ang naitalang ito ng 24-anyos ay sapat na para sa gintong medalya sa papalapit na 30th SEA Games,kung saan ang gold medalist na si Chayanesa Chomchuendee ng Thailand ay nakapagtala lang ng 4.10 meters.
Ngunit ang personal best ni Uy ay 4.30 meters na kanyang nagawa sa Spain noong nakaraang taon.
Mula sa Ohio si Uy at ang kanyang amang si Henry ay tubong Cebu at dapat ay nakasama na siya sa
national team na sumabak sa 2018 Asian Games ngunit hindi umabot ang kanyang Philippine passport sa takdang oras. / Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.