Naaresto ang mga suspek matapos mabilhan ng droga ang target ng operasyon na si alyas Benjie.
Nakuha naman sa kasamahan nitong si alyas Bruno ang isang baril.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa P225,000 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.
Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Davao Region na si Noli Dimaandal, matagal na umano nilang minanmanan si Benjie dahil sa ilegal na gawain nito at ginagawa rin nitong drug den ang kaniyang bahay.
Dati umanong sundalo si Bruno na kinuha ni Benjie bilang protector.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sasampahan din ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Bruno. / RC