Duterte handa na sa mga negative issues na ilalabas laban sa kanya
Handa ang kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na harapin ang mga inaasahan nilang disqualification cases kaugnay sa kanyang pag-file ng Certificate of Candidacy sa Presidential election.
Kahapon ay nauna nang kinuwestyon ni Ruben Castor ang pagsusumite ng COC ni Duterte bilang substitute candidate ni Martin Diño sa ilalim ng PDP-Laban.
Sinabi ng abogado ni Castor na si Atty. Oliver Lozano na hindi maaaring maging substitute candidate si Duterte dahil matagal nang nag-withdraw ng kanyang kandidatura si Diño.
Sa kanyang paliwanag, sinabi naman ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes na tatlo ang dahilan na pinapayagan ng Omnibus Election Code para sa tinatawag na substitution.
Ito ay kapag ang naunang kandidato ay namatay, umatras o kaya’y na-disqualify.
Nauna na ring sinabi ni Duterte na inaasahan na rin nila na maglalabasan sa mga susunod na araw ang ilang mga isyu na naglalayong idiskaril ang kanyang kandidatura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.