Special lane para sa mga Hajj pilgrims aprub sa DFA

By Jong Manlapaz March 07, 2019 - 08:45 AM

Tinugunan na ng Department of Foreign Affairs ang kahilingan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na maglaan ng Hajj Special lane sa DFA .

Ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, tiniyak sa kanya ni DFA Secretary Teodoro Locsin ang availability ng Hajj special lane sa DFA, Aseana sa Paranaque City.

Bubuksan ang Hajj special lane sa DFA araw-araw simula Marso 10 ng kasalukuyang taon mula ala una hanggang alas kuwatro ng hapon.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang muslim pilgrims na maproseso ang kanilang pasaporte para makadalo sa Hajj pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia ngayong taon.

Kada taon umaabot ng nasa 7,000 Muslim Filipinos ang dumadalo sa Hajj pilgrimage na isa sa five pillars of Islam.

TAGS: Aseana sa Paranaque City, DFA, hajj, NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, Special Lane, Aseana sa Paranaque City, DFA, hajj, NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, Special Lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.