Ito ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. ay matapos lagdaan ang “Project for Agricultural Training for the Establishment of Peace in Mindanao” at “Project for the Improvement of Water Supply Equipment Management Capacity for the Establishment of Peace in Mindanao” sa pagitan nina Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, Food and Agriculture Organization (FAO) Country Representative Jose Luis Fernandez at International Labor Organization Country Director Khalid Hassan.
Sinabi ni Galvez na bukod sa maayos na tubig ang kasunduan ay para rin sa karagdagang kaalaman at kasanayan ng mga taga BARMM sa food production and security.
Pinasalamatan naman nito ang mga international peace partners sa kanilang patuloy na suporta upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
Ang proyekto ay ipatutupad ng ILO at FAO kung saan ang pondo ay magmumula sa pamahalaan ng Japan.
Sa ilalim ng kasunduan, bibigyan ng vocational skills training, kabilang ang hands-on activities at demonstrations para sa crop production, integrated pest management, harvest at post-harvest processes ang mga residente sa lugar.
Ang mga taga BARMM naman ay magiging katulong sa pag-develop, pagpapatayo at pagmamantine ng water supply, sanitation at hygiene facilities sa itatayong community-based water supply.