DOTr: MRT-3 rehab hindi delayed

By Erwin Aguilon March 07, 2019 - 06:55 AM

Nilinaw ng Department of Transportation na hindi na-delay ang MRT-3 Rehabilitation Project na pinondohan ng bansang Japan.

Ayon sa DOTr, sinimulan ng rehabilitation and maintenance service provider na Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries (MHI) ang advance transition noon pang Nobyembre 2018.

Paliwanag ng DOTr, matapos lumagda sa Rehabilitation and Maintenance Agreement (RMA) ang ahensya noong December 28 ng nakalipas na taon, nagsimula naman ang Sumitomo-MHI na mag-mobilize ng kanilang advance engineering teams sa MRT-3 at noong buwan ng Pebrero ay sinimulan ang pagbili ng mga riles, parte ng tren at iba pang kakailanganin para sa rehab program.

Nilinaw din ng ahensya na ang nananatiling pending ay ang advance payment ng DOTr sa Sumitomo sa ilalim ng kasunduan dahil sa hindi pa rin nalalagdaan ang panukalang 2019 General Appropriations Act kung saan kukunin ang pondo para sa MRT-3 Rehabilitation Project.

Gayunman, kahit anila wala pang advance payment ay nagkasundo ang DOTr at Sumitomo na bumili ng mga pangunahing kailangan para sa rehabilitation, kabilang ang rail tracks at parte ng tren para sa general overhaul ng 72 bagon ng MRT-3.

Dahil dito, ipinagmalaki ng kagawaran na nanatiling on track ang kanilang target na pagtatapos ng rehab sa loob ng 26 na buwan.

Sa ilalim ng proyekto ang MRT-3 ay sasailalim sa rehabilitation and maintenance ng electromechanical components, power supply, rail tracks, depot equipment, at overhaul sa 72 light rail vehicles.

Kapag natapos ang rehabilitation babalik anila sa high-grade infrastructure condition ang MRT-3 at madaragdagan ang kasalukuyang 15 tren na tumatakbo at magiging 20 habang ang pito hanggang sampung minutong pagitan ng pagdaan ng tren ay gagawing 3.5 minutes.

TAGS: dotr, Japan, MRT Rehab, Rehabilitation and Maintenance Agreement (RMA), Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries (MHI), dotr, Japan, MRT Rehab, Rehabilitation and Maintenance Agreement (RMA), Sumitomo Corporation at Mitsubishi Heavy Industries (MHI)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.