German ambassador pinalalayas ng Venezuela dahil sa pakikialam sa internal affairs ng bansa

By Rhommel Balasbas March 07, 2019 - 04:30 AM

Inanunsyo ng Venezuelan government na kanilang palalayasin si German ambassador Daniel Kriener.

Idineklara ng gobyerno si Kriener bilang ‘persona non grata’ dahil sa umano’y pakikialam nito sa internal affairs ng Venezuela.

Si Kriener ay isa sa mga grupo ng diplomats na sumalubong kay Venezuela opposition leader Juan Guaido sa pagbabalik nito sa Venezuela noong Lunes.

Nakalampas sa immigration si Guaido at tinulungang makalabas ng mga diplomats sa Caracas airport.

Kabilang ang diplomats mula sa Argentina, Brazil, Canada, Chile, Ecuador, France, The Netherlands, Portugal, Romania, Spain at US sa mga sumalubong kay Guaido pero si Kriener pa lamang ang idinedeklarang persona non grata.

Binigyan lamang ng 48 oras ang German ambassador na lisanin ang Venezuela.

Si Guaido na pinamumunuan ang National Assembly ay idineklara ang sarili bilang interim president at nangakong palalakasin ang kampanya para mapabagsak ang gobyerno ni President Nicolas Maduro.

Sa isang talumpati nitong Martes nauna nang tinawag ni Maduro ang kanyang mga kalaban na ‘oportunista at duwag’ pero wala itong binanggit na pangalan.

Ang US, Germany at iba pang 50 bansa ay ikinokonsiderang invalid ang muling pagkakahalal kay Maduro.

TAGS: German ambassador Daniel Kriener., internal affairs, Juan Guaido, national assembly, persona non grata, venezuela, German ambassador Daniel Kriener., internal affairs, Juan Guaido, national assembly, persona non grata, venezuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.