4 suspek at isang menor de edad, arestado sa QC buy bust

By Len Montaño March 07, 2019 - 04:24 AM

File photo

Arestado ang limang suspek, kabilang ang isang menor de edad sa buy bust operation sa compound sa Sapang Kangkong sa Baragay Old Balara, Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva, ang mga suspek ay sina Melvin Foronda, 22 anyos, Joecel Bigal, 33 anyos, Shawn Ebias, 21 anyos at Kam Moreno Ligutan, 20 anyos.

Nailigtas naman ang isang 17 anyos na lalaki na hindi pinangalanan para maprotektahan ang kanyang pagkilanlan.

Target ng operasyon si Bigal at isang babae na BS Accountancy student.

Nakipag-transaksyon ang dalawa sa undercover police at asset sa bilyaran sa compound.

Narekober sa mga suspek ang 14 sachet ng umanoy dried marijuana na nagkakahalaga ng P20,000, buy bust money at ibang drug paraphernalia kabilang ang 3 glass pipes na may trace ng marijuana.

Itinanggi naman ng 4 na suspek na sangkot sila ang pagbebenta ng marijuana.

Nahaharap ang 4 sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang binatilyo ay dinala sa DSWD sa lungsod.

TAGS: buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dried marijuana, menor de edad, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dried marijuana, menor de edad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.