Phoenix wagi kontra Magnolia sa PBA Cup

By Rhommel Balasbas March 07, 2019 - 04:08 AM

Nagpamalas ng impressive win ang Phoenix matapos habulin ang 17 puntos na lamang ng Magnolia at tuluyang manalo sa iskor na 89-87 sa kanilang sagupaan sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum araw ng Miyerkules.

Naipasok ni Jason Perkins ang tres sa huling 19.1 seconds ng laban para maipanalo ang Fuel Masters.

Ayon kay Phoenix head coach Louis Alas, ang naturang panalo ay ang gusto nilang makita kung saan ipinamalas nila ang kanilang karakter.

Pinangunahan ni Calvin Abueva ang Phoenix sa kanyang game-high 24 points, 13 rebounds at 5 assists.

Ang Hotshots naman ay pinangunahan nina Paul Lee at Mark Barroca sa kanilang tig-16 points.

Dumausdos ngayon ang record ng Magnolia sa 1-4 win-loss record.

TAGS: calvin abueva, Fuel Masters, Hotshots, Jason Perkins, Magnolia, Mark Barroca, Paul Lee, PBA Philippine Cup, Phoenix, Phoenix head coach Louis Alas, calvin abueva, Fuel Masters, Hotshots, Jason Perkins, Magnolia, Mark Barroca, Paul Lee, PBA Philippine Cup, Phoenix, Phoenix head coach Louis Alas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.