Ito ay dahil kasado na ang implementing rules and regulatons (IRR) ng bagong rice tarrification law na maglilimita sa papel ng NFA bilang tagakuha ng buffer stock ng bigas para sa mga kalamidad.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, magbebenta pa naman ng bigas ang NFA o yaong galing sa mga lokal na magsasaka sa Setyembre.
Gayunman, hindi pa malinaw kung ano ang magiging presyuhan nito sa merkado.
Ayon sa kalihim, ibabase ang computation ng DA sa procurement price.
Samantala, dahil din sa rice tarrification law, nangangamba na ang ilang empleyado ng NFA na mawawalan ng trabaho.
Iginiit naman ni Sec. Piñol na na ililipat sa Bureau of Plant and Industry (BPI) at DA ang ilang mga maaapektuhang empleyado.
Bago pa kasi anya ang food and safety function sa BPI na maaaring trabahuin ng mga empleyado ng NFA.
Inaasahang pipirmahan sa susunod na linggo ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Budget and Management ang IRR ng rice tarrification law.