2 patay sa engkwentro sa Bulacan

By Rhommel Balasbas March 07, 2019 - 03:21 AM

Nauwi sa engkwentro ang dapat sana ay buy bust operation lamang sa Brgy. Santor, Malolos, Bulacan, alas-12:20 ng madaling-araw ng Huwebes.

Ayon sa impormasyon mula sa Bulacan Police Provincial Office, nagkasa ng operasyon laban sa mga suspek na sina Virgilio Gabriel Jr. at Erwin Panganiban na kapwa residente ng lungsod.

Si Gabriel ay pangsampu sa listahan ng Top 10 na Motorcycle Riding Suspects ng lugar.

Isang sumbong ang nakarating sa pulisya tungkol sa pagbebenta nina Gabriel at Panganiban ng iligal na droga sa Malolos.

Dahil dito ay nagkasa ng buy bust operation ang mga pulis at positibong nakabili sa mga suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Gayunman, nang makahalatang pulis ang katransaksyon ay nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Nakuha sa crime scene ang kalibre .38 at .45 na mga baril, mga bala at basyo ng bala, motorsiklo na gamit ng mga suspek, apat na sachet ng hinihinalang shabu at siyam na sachet ng hinihinalang marijuana.

TAGS: Bulacan Police Provincial Office, buy bust operation, engkwentro, Marijuana, Motorcycle Riding Suspects, nanlaban, shabu, Top 10, Bulacan Police Provincial Office, buy bust operation, engkwentro, Marijuana, Motorcycle Riding Suspects, nanlaban, shabu, Top 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.