4 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Quezon

By Rhommel Balasbas March 07, 2019 - 02:42 AM

Patay ang apat katao habang dalawa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Infanta, Quezon, Miyerkules ng gabi.

Sa impormasyon mula sa Quezon Provincial Police Office, nakilala ang mga nasawi na sina Herman Canto, 70 anyos; Leon Turgo Cuento, 73 anyos; Manuel Avellaneda Cuerdo, 41 anyos at Michael Nuza Cuento, 50 anyos.

Ang mga sugatan naman ay sina Maximo Junio Cuento, 65 anyos at Napoleon Penamante Miras, 68 anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon na dumadalo lamang sa burol ang mga biktima sa Brgy. Ilog nang pagbabarilin sila ng isang suspek na armado ng kalibre .45 na baril.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima pero ang apat ay idineklara agad na dead on arrival habang ang dalawa pang sugatan ay nasa ligtas nang kalagayan.

Ngayon ay patuloy ang hot pursuit operation na isinasagawa ng Infanta police para mahuli ang suspek sa pamamaril.

TAGS: burol, dead on arrival, Infanta police, Infanta Quezon, patay sa pamamaril, Quezon Provincial Police Office, sugatan, burol, dead on arrival, Infanta police, Infanta Quezon, patay sa pamamaril, Quezon Provincial Police Office, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.