Nasa 488 pulis naman na nananatili sa kanilang areas of assignment ang tinanggal para maiwasan na maging pamilyar sa lugar.
Kabilang sa mga na-reassign ay 26 police commissioned officers at 1,344 police non-commissioned officers.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, mahalaga ang hakbang para mapanatili ang impartiality ng pulisya.
Kasama sa reshuffle ang 100 police director, city directors, mobile-force commanders, at mga hepe ng pulisya na nasa kanilang areas of assignment ng mahigit ng 2 taon.
Layon nito na hindi maging pamilyar ang mga pulis sa mga lokal na pulitiko.
Samantala, inaprubahan din ng PNP ang resignation ng 5 police personnel na tatakbong vice mayor at councilor sa Bukidnon, Surigao del Norte, Northern Samar, Lanao del Sur at Zamboanga del Sur.
Ayon sa PNP, sasampahan ng kasong administratibo ang pulis na mangangampanya para sa kanilang mga kaanak na kandidato.