Ai Ai, Dante at Ina wagi sa Portugal filmfest

By Len Montaño March 07, 2019 - 02:08 AM

Itinanghal na Best Actress sa Director’s Week section sa 39th Fantasporto Film Festival si Ai AI delas Alas para sa Cinemalaya film nito na “School Service.”

Ikinagulat ito ni Ai Ai dahil tila nakalimutan na niya ang naturang filmfest dahil naka-focus siya Queens World Film Festival.

Ayon sa aktres, hindi niya naisip na darating ang araw na magkakaroon siya ng award para sa isang dramatic role.

Ginampanan ni Ai Ai ang papel ng isang naka-wheelchair na pulubi na nagta- trabaho para sa isang sindikato ng child trafficking.

Ibinahagi ni Ai AI ang award sa kapwa Pinoy na artista na si Ina Raymundo na wagi rin para naman sa pelikulang ‘Kuya Wes.”

Samantala, ang pelikulang “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” o “ Waiting for Sunset” ay nakuha ang special jury prize at best actor para kay Dante Rivero.

Ang parangal kay Rivero ay sa Director’s Week section din gaya kay Ai Ai.

TAGS: 39th Fantasporto Film Festival, Ai Ai delas Alas, best actor, best actress, Cinemalaya, Dante Rivero, Director’s Week section, Ina Raymundo, Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, Kuya Wes, school service, special jury prize, 39th Fantasporto Film Festival, Ai Ai delas Alas, best actor, best actress, Cinemalaya, Dante Rivero, Director’s Week section, Ina Raymundo, Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, Kuya Wes, school service, special jury prize

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.