Lebel ng tubig sa La Mesa Dam malapit na sa critical level

Malapit nang umabot sa critical level ang tubig sa La Mesa Dam ayon sa Manila Water.

Sinabi ni Manila Water Spokesperson Jeric Sevilla araw ng Miyerkules, na malapit nang bumaba sa 69 meters ang tubig sa Dam kaya’t magbabawas sila ng produksiyon ng tubig.

Posible anyang mas lumala pa ang sitwasyon lalo’t papasok pa lang ang panahon ng tag-init at may banta pa ng El Niño sa bansa.

Dahil dito, makararanas ng mahinang water pressure ang ilang consumers ng Manila Water habang ang nasa higit 60,000 costumers naman ay posibleng mawalan ng tubig sa peak hours.

Ang maaapektuhang mga lugar ay Marikina, Pasig, Taguig at mga bayan sa lalawigan ng Rizal ayon kay Sevilla.

Ilalagay anya sa Facebook page ng Manila Water ang eksaktong oras ng water interruptions.

Ang banta sa water interruptions ay kahit itinaas na sa 48 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig mula Angat Dam sa Maynila at Manila Water para sa buwang ito.

Samantala, nagbigay na ng ilang tips ang Manila Water sa pamamagitan ng infographics na ‘Be #WaterWais, Magtipid sa Paggamit, Mag-ipon pag may Tubig.’

Kabilang dito ang mabilisang paggamit ng shower o hindi kaya paggamit ng timba at tabo at pagsigurong laging nakasara o walang tagas ang flush ng inidoro.

Read more...