Kapatid ng naarestong drug suspect, patay sa pamamaril sa Mandaue City

By Len Montaño March 07, 2019 - 01:24 AM

Patay sa pamamaril ang kapatid na babae ng drug suspect na umanoy source ng P190.4 milyong halaga ng shabu na nakumpiska sa Cebu noong Lunes.

Kinilala ang pinatay na si Janelyn Encilla, 31 anyos at nakababatang kapatid ni Jocelyn Encilla na inaresto dahil sa 28 kilo ng drugs na nakuha sa magkahiwalay na operasyon.

Kabababa lang ni Janelyn mula sa taxi nang barilin ito ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pagpatay sa kapatid ng drug suspect.

Una rito ay arestado rin ang mga magulang ni Encilla na sina Marcial at Marilyn, ang mga nagbigay umano ng P1 milyong halaga ng shabu sa nagpanggap na buyer.

Sinalakay ang bahay ng mga Encilla sa Barangay Casili at nakuha ang 10 kilo ng droga at naroon ang umanoy kasabwat ni Jocelyn na si Elymar Ancajas na nakuhanan naman ng 18 kilo ng shabu

TAGS: drug suspect, kapatid, Mandaue City, P190.4 milyong halaga ng shabu, patay sa pamamaril, drug suspect, kapatid, Mandaue City, P190.4 milyong halaga ng shabu, patay sa pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.