Malaysian PM Mahathir, nasa bansa na para sa official visit

By Len Montaño March 07, 2019 - 12:56 AM

Dumating na sa Pilipinas si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad para sa 2 araw na state visit nito.

Lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City alas 7:40 Miyerkules ng gabi ang eroplanong sinakyan ni Mahathir.

Nakatakda ang pagdalo ng 94 anyos na prime minister sa business forum sa Makati City ngayong Huwebes.

Sunod ang pulong nito kina Senate President Tito Sotto at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Pangungunahan din ni Mahathir ang wreath-laying o pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Sa Malakanya ay sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Malaysian PM na susundan ng bilateral meeting.

Matapos mag-usap ukol sa pagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia sa iba’t ibang bagay kabilang ang ekonomiya ay magbibigay ng joint press statements sina Duterte at Mahathir.

TAGS: bilateral meeting, business forum, Dr. Jose Rizal, ekonomiya, joint press statement, Malaysian Prime Ministers Mahathir Mohamad, Pangulong Rodrigo Duter, state visit, wreath-laying, bilateral meeting, business forum, Dr. Jose Rizal, ekonomiya, joint press statement, Malaysian Prime Ministers Mahathir Mohamad, Pangulong Rodrigo Duter, state visit, wreath-laying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.