Diokno nanumpa na kay Duterte bilang bagong BSP governor

PNA photo

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ginawa ang oath-taking Miyerkules ng hapon sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Panelo, tumagal lamang ng 40 minuto ang panunumpa ni Diokno.

Uupong BSP governor si Diokno kapalit ni dating BSP governor Nestor Espenilla na pumanaw sa sakit na cancer.

Read more...