Duterte, nais ang pulong sa COA at Ombudsman ukol sa transaksyon sa gobyerno
Ipatatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Executive Secretary Salvador Medialdea, mga kinatawan sa Commission on Audit (COA) at mga taga Office of the Ombudsman para talakayin kung paano sisimplehan ang mga proseso sa transaksyon sa gobyerno.
Ayon sa Pangulo, dahil sa dami ng requirements na kinukuha sa gobyerno, nagiging ugat ito ng kurapsyon.
Asahan na aniya na mas mapapadali na ang proseso sa mga transaksyon sa gobyerno bago matapos ang taong kasalukuyan.
Hakbang ito ng Pangulo kasunod ng pagkadismaya sa tambak na requirements na kinukuha sa gobyerno ng isang indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.