Dahil dito, epektibo na ang toll rate hike sa March 20, 2019.
Batay sa approved rates ng TRB, kabuuang sampung piso (P10.00) ang dagdag na toll fees sa “open system” at labing walong sentimos (P0.18) kada kilometro sa “closed system”.
Ibig sabihin, kapag ang sasakyan ay class 1, ang new rate sa open system ay P55.00 mula sa P45.00. Kapag end-to-end naman, P258.00 na mula sa P236.00.
Kung ang sasakyan ay class 2, ang bagong toll fee sa open system ay P137.00 mula sa P114.00, samantalang kung end-to-end, papalo na sa P646.00 ang rate mula sa dating P590.00.
Kapag class 3 ang behikulo, P165.00 na ang new rate sa open system mula sa dating P136.00, habang P775.00 na mula sa dating P708.00 na singil sa end-to-end.