NLEX magtataas na ng singil simula March 20

By Isa Avedaño-Umali March 06, 2019 - 07:30 PM

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board o TRB ang pagtaas sa singil sa toll sa North Luzon Expressway o NLEX.

Dahil dito, epektibo na ang toll rate hike sa March 20, 2019.

Batay sa approved rates ng TRB, kabuuang sampung piso (P10.00) ang dagdag na toll fees sa “open system” at labing walong sentimos (P0.18) kada kilometro sa “closed system”.

Ibig sabihin, kapag ang sasakyan ay class 1, ang new rate sa open system ay P55.00 mula sa P45.00. Kapag end-to-end naman, P258.00 na mula sa P236.00.

Kung ang sasakyan ay class 2, ang bagong toll fee sa open system ay P137.00 mula sa P114.00, samantalang kung end-to-end, papalo na sa P646.00 ang rate mula sa dating P590.00.

Kapag class 3 ang behikulo, P165.00 na ang new rate sa open system mula sa dating P136.00, habang P775.00 na mula sa dating P708.00 na singil sa end-to-end.

TAGS: NLEX, NLEX Corporation, toll fee, toll regulatory board, NLEX, NLEX Corporation, toll fee, toll regulatory board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.