Justice Amy Lazaro-Javier itinalaga sa SC

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo duterte si Court of Appeals Associate Justice Amy Lazaro-Javier bilang bagong associate justice sa Supreme Court.

Pupunan ni Javier ang nabakanteng puwesto ni retired Justice Noel Tijam na nagretiro noong January 5 matapos sumapit sa mandatory retirement age na 70.

Si Javier ay tatlong beses nang napasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council subalit hindi nakalulusot.

Ang bagong talagang associate justice ng Mataas na Hukuman ay nagtapos ng abogasya sa University of Sto. Tomas at itinanghal na class valedictorian noong 1982.

Kabilang sa mga napasama sa shorlist ng JBC ay sina Justices Manuel Barrios, Japar Dimaampao, Ramon Cruz, Ramon Garcia, Mario Lopez and Apolinario Bruselas Jr., Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, SC Court Administrator Jose Midas Marquez at former Ateneo de Manila University law dean Cesar Villanueva.

Pero ayon kay JBC ex-officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, wala pang inilalabas na appointment paper ang palasyo para sa bagong pwesto ni Javier.

 

Read more...