Tulak ng ecstasy sa Cebu patay sa ambush

By Den Macaranas March 06, 2019 - 04:20 PM

Photo: Traffic Enforcement Agency of Mandaue (TEAM).

Patay ang sinasabing isa sa mga bigtime na supplier ng ecstasy at iba pang party drugs sa lalawigan ng Cebu makaraan siyang tambangan ng hindi kilalang mga suspek.

Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng pananambang si Neil Benjamin Yap.

Sinabi ni Mandaue City Police Chief Col.Julian Entoma na nangyari ang ambush kanilang tanghali sa Barangay Guizo sa Mandaue City.

Sakay nang kanyang kulay asul na kotse ang biktima at papunta sa Seno Highway nang lapitan siya ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Kaagad nilang pinagbabaril ang biktima na idineklarang dead-on-the spot.

Noong Enero, 2018 ay nahuli na rin ng mga pulis si Yap dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Inaalam pa ng Mandaue City PNP kung paanong nakalabas sa kulungan si Yap.

TAGS: benjamin neil yap, cebu, ecstasy, Mandaue City, supplier of illegal drugs, benjamin neil yap, cebu, ecstasy, Mandaue City, supplier of illegal drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.