Susunod na budget secretary hindi sana pulitko – Diokno
Umaasa si outgoing Budget Secretary Benjamin Diokno na hindi isang pulitiko ang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Diokno, hindi pulitiko o hindi dating pulitiko ang dapat na ilagay ng pangulo sa DBM.
Tumanggi naman si Diokno na magbigay ng dahilan kung bakit ayaw niya sa isang pulitiko ang dapat na maging DBM secretary.
Una nang umugong ang pangalan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na maaring sumunod na budget secretary.
Samantala, sinabi ni Diokno na handa na siyang magtrabaho bilang bagong governor ng BSP.
Ayon kay Diokno, sa Huwebes ay magpapatawag na siya ng kauna-unahang monetary policy meeting.
Ani Diokno, si Finance Secretary Sonny Dominguez ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na italaga siya bilang susunod na BSP governor kapalit ng namayapang si Nestor Espenilla na pumanaw dahil sa sakit na kanser sa dila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.