Direktor ng EPD at hepe ng Pasay City police sinibak sa pwesto matapos maaresto sa pangingikil ang mga tauhan

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 11:39 AM

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde ang pagsibak sa pwesto sa direktor ng Eastern Police District at sa hepe ng Pasay City Police.

Ito ay makaraan ang pagkakasangkot ng mga tauhan nila sa pangingikil sa misis ng mga naarestong drug suspect.

Sinibak sa pwesto ni Albayalde sina EPD director, B/Gen Bernabe Balba at Pasay City P/Col Noel Flores dahil sa prinsipyo ng command responsibility.

Dinakip ang isang miyembro ng District Enforcement Unit ng EPD matapos mangikil ng pera at hingan pa ng alakas ang misis ng isang naarestong drug suspect.

Tinangka din ng nasabing pulis na papirmahin sa deed of sale ang misis para makuha niya ang motorsiklong pag-aari nito.

Sa hiwalay na insidente, naaresto naman ang isang tauhan ng Pasay City Police Station 1 – Drug Enforcement Unit dahil sa pangingikil ng P100,000 sa live-in partner ng naarestong drug suspect.

Ang dalawa pang tauhan ng DEU ng station 1 ng Pasay City police at kanilang hepe na sangkot din sa insidente ay nakatakas.

TAGS: Bernabe Balba, Eastern Police District, noel flores, Pasay City Police, PNP, police scalawags, Bernabe Balba, Eastern Police District, noel flores, Pasay City Police, PNP, police scalawags

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.