Mga miyembro ng drug enforcement unit sa station 1 ng Pasay City Police, sinibak lahat sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 11:45 AM

Sinibak lahat sa pwesto ni National Capital Region Police Office chief Major General Guillermo Eleazar ang lahat ng miyembro ng station drug enforcement unit (SDEU) Pasay City Police Station 1 dahil sa reklamo ng kidnap-for-ransom.

Ito ay makaraang 1 sa 4 na suspek na mga pulis ang naaresto sa entrapment operation Miyerkules ng madaling araw.

Kabilang sa tatlong nakatakas sa entrapment ang hepe ng Pasay Station 1-SDEU at ngayon ay pinaghahanap na ng mga kabaro nila.

Una rito, sinabi ni PNP Counter-Intelligence Task Force (CITF) commander Colonel Romeo Caramat Jr. ikinasa ang entrapment sa mismong istasyon laban kay Cpl. Anawar Nasser at 3 kasamahan nito.

Ito ay makaraang magreklamo ang ka-live in ng isang lalaking dinakip dahil umano sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ayon kay Caramat, hinihingan umano ng P100,000 ang biktima para mapalaya ang kaniyang kalive-in.

Bitbit ng mga nakatakas na sina Lt. Leonardo Frave, hepe ng Pasay City Police Station 1-SDEU; Patrolman Anthony Fernandez; at Sergeant Rigor Octaviano ang P100,000 na marked money na ginamit sa entrapment.

Binigyan lang ni Eleazar ng isang araw ang tatlo para sumuko.

TAGS: Guillermo Eleazar, NCRPO, Pasay City Police, Radyo Inquirer, SDEU, Guillermo Eleazar, NCRPO, Pasay City Police, Radyo Inquirer, SDEU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.