Mga mayamang kandidato huwag iboto – Duterte

By Chona Yu March 06, 2019 - 11:19 AM

Hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na huwag iboto ang mga mayayamang kandidato sa May 13 elections.

Sa campaign rally ng PDP-LABAN sa Bangued, Abra, sinabi ng pangulo na gagamitin lamang ng mga mayayaman ang naturang puwesto para protektahan ang kanilang nga negosyo.

Payo ng pangulo sa mga botante, maghanap ng sinserong mga kandidato.

Dapat aniyang iboto ang mga kandidato na nakaiintindi sa sentemyento ng mga mahihirap.

Una rito, binanatan ni Pangulong Duterte ang mga taga-“Otso Diretso” dahil sa patuloy na pagbatikos sa mga taga-administrasyon.

Pinagmumukha aniya ng mga kandidato ng “Otso Diretso” na malinis ang kanilang hanay habang masama naman ang mga kandidato ng administrasyon.

TAGS: 2019 midterm elections, Otso Diretso, PDP Laban, Rodrigo Duterte, 2019 midterm elections, Otso Diretso, PDP Laban, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.