Gobyerno hindi dapat maging kampante sa pagbaba ng inflation

By Erwin Aguilon March 06, 2019 - 11:07 AM

Iginiit ni 1-PACMAN Rep. Mikee Romero na hindi dapat maging kampante ang gobyerno sa patuloy na pagbulusok ng inflation rate matapos maitala ang 3.8 percent noong buwan ng Pebrero.

Ayon kay Romero, dapat paghandaan ang pangunahing inflation concerns sa mga susunod na buwan partikular ang epekto ng El Niño sa suplay ng pagkain.

Kailangan aniyang madaliin na ang implementasyon ng Rice Tariffication Law lalo’t pagkatapos ng tagtuyot ay mararanasan naman ang kawalan ng ani o lean months mula Hunyo hanggang Setyembre.

Bukod sa murang imported na bigas sa merkado ay iginiit ng ekonomista ang agarang impact ng Rice Fund at Agricultural Competitiveness Enhancement Fund sa mga magsasaka.

Samantala, isa rin sa pinababantayan ni Romero ay ang tumataas na bayad sa upa sa mga pabahay na isa sa mga top contributors sa overall inflation noong nakaraang buwan at isa sa mabibigat na usapin sa consumer price index.

Sa tulong aniya ng batas na magtatatag sa Department of Human Settlements and Urban Development ay mapoprotektahan ang mga pamilya at small entrepreneurs laban sa napakamahal na renta sa housing at business spaces.

TAGS: El Niño, food supply, Inflation, El Niño, food supply, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.