Dredging sa Manila Bay tatagal ng 90 hanggang 120 na araw – DPWH

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 10:05 AM

Umabot sa 30 truck ng basura ang nahakot ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pormal na pagsisimula kahapon ng dredging sa Manila Bay.

Sa panayam ng Radyo Inqurier kay Engineer Toribio Noel Ilao, direktor ng DPWH – Bureau of Equipment na hamon sa kagawaran ang maraming basura sa dagat.

Pero sa paunang araw aniya ng dredging, nakapagtanggal sila ng basura sa nasa 50 meters ng Manila Bay mula sa seawall.

Sa pagtaya ng DPWH, aabot sa kabuuang 22 ektarya ang kailangang isailalim sa dredging sa Manila Bay.

Kabilang dito ang 1.5 kilometers mula sa US Embassy hanggang Manila Yacth Club.

Gayundin ang 150 meters mula seawall patungong dagat.

Sa pagtaya ng DPWH, aabot sa 90 araw hanggang 120 araw tatagal ang dredging.

Sasamantalahin naman ng DPWH ang summer season at El Niño sa puspusang paglilinis sa Manila Bay bago pa abutan ng pagdating ng Habagat season.

TAGS: Department of Public Works and Highways, dredging, Manila Bay, Department of Public Works and Highways, dredging, Manila Bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.