Pahayag ito ni Police Major General Guillermo Eleazar, hepe ng NCRPO matapos ang magkasunod na pagkaka-aresto sa dalawang pulis na kapwa sangot sa pangingikil sa naarestong drug suspects.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar sa kaso ng isang pulis ng Pasig, sa kaniya mismo humingi ng tulong ang misis ng drug suspect matapos silang hingan ng pera at alahas ng pulis.
Tiniyak naman ni Eleazar na wala silang dapat na ikatakot sa pagsusumbong sa mga tiwaling pulis.
Ayon kay Eleazar, iilan lamang naman ang pulis na tiwali kumpara sa matitinong nasa serbisyo.
Mabuti aniyang naisusumbong at naparurusahan ang mga police scalawags para magsilbi na ring babala at matakot ang iba pa na gumawa ng mali.