Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng M5.5 na lindol; pagyanig naramdaman sa Bislig City at Davao City
By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 09:23 AM
Tumama ang magnitude 5.5 na lindol ang bayan ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Naitala ang lindol sa 102 kilometers Northeast ng Hinatuan alas 8:12 ng umaga ng Miyerkules, March 6.
May lalim na 14 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ng Phivolcs ang intensity IV sa Bislig City at intensity II sa Davao City bunsod ng naturang pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, maari ding magdulot pa ng aftershocks ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.