Tinaguriang jazz queen na si Annie Brazil, pumanaw sa edad na 85

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern March 06, 2019 - 09:07 AM

FB Photo
Pumanaw na sa edad 85 si Filipino ‘jazz queen’ na si Annie Brazil.

Ito ay kinumpirma ng anak niyang si Richard Merk.

Nasawi ang singer sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City sa sakit na pneumonia.

Si Justiniana Bulawin, na mas kilala bilang Annie Brazil ay nagsimula sa pagkanta sa edad na 6.

Tumagal ng mahigit 70 taon ang career niya bilang professional jazz singer sa Pilipinas at sa ibayong dagat.

Isa sa kanyang hindi malilimutang concert ay ang kanyang performance sa Newport Jazz Festival kasama sina Nina Simone at Miles Davis.

Natanghal din siya ng 12 taon sa Cucina Stagionale sa US.

Pinarangalan ang jazz singer bilang Lifetime Achievement Awardee ng Filipino-American Jazz Society noong 2003

Magsisimula ngayong araw ang burol ni Brazil sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati.

TAGS: Annie Brazil, jazz queen, Annie Brazil, jazz queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.