Mga pasahero dismayado sa tatlong magkakasunod na araw na aberya sa MRT-3

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 08:39 AM

Sa ikatlong sunod na araw, nakaranas muli ng aberya sa biyahe ng MRT-3.

Sa post sa Twitter ng pasahero na may Twitter handler na @Denxtistry sinabi nitong tatlong magkakasunod na araw na siyang late pagpasok.

Dismayado din ang netizen na si Drolan Legasvi na nag-post sa Twitter dakong alas 7:25 ng umaga at sinabing sobrang dami ng tao sa platform ng MRT-3 at mahaba ang pila.

Ang mahabang pila din ang reklamo ng isang pang netizen na nag-post alas 8:21 ng umaga.

Ayon naman kay AJ Francisco, 15 minuto silang naghintay sa North Avenue Station at walang dumarating na tren.

Bago mag alas 8:00 ng umaga, dalawang tren ng MRT na nasa Taft Avenue station ang nasira.

Ito ang dahilan ng pagdami ng tao sa mga platform at matagal na pagdating ng mga tren.

Magugunitang kahapon, araw ng Martes (Mar. 5), nagkaroon din ng problema sa biyahe ng MRT matapos na makaranas ng electrical failure ang isang tren.

Noon namang Lunes (Mar. 4), sa pag-uumpisa pa lang ng operasyon ay nagpatupad na ng limitadong operasyon ang MRT-3.

 

TAGS: dotr, mrt-3, railways, technical problem, dotr, mrt-3, railways, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.